Mga Pormularyo ng PRECUP
Alam mo ba na isa sa mga kinakailangang dokumento sa pagsusumite ng lokal na imbentaryong pangkultura ang paggamit ng mga Pormularyo ng PRECUP?
Mayroong 3 klase ito:
- PRECUP Form 1 – para sa mga Ari-Ariang Kultural na Di-Natitinag o Tangible-Immovable Cultural Properties
- PRECUP Form 2 – para sa Ari-Ariang Kultural na Natitinag o Tangible-Movable Cultural Properties
- PRECUP Form 3 – para sa Buhay na Dunong o Intangible Cultural Heritage and Contemporary Arts and Crafts
Para ma-access ang mga Pormularyo ng PRECUP, mga gabay sa pagsagot, at mga halimbawa nito, maaring buksan ang link na ito: [ https://tinyurl.com/PRECUPFMS ]
Upang makipag-ugnayan, mangyaring magpadala ng email sa precup@ncca.gov.ph o precup.pilipinas@gmail.com.