Announcements

Pamanang Istruktura sa Lungsod ng Maynila

Pamanang Istruktura sa Lungsod ng Maynila

TINGNAN: Sa patuloy na pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pamana 2021, inilalathala ng NCCA at ng Lungsod ng Maynila ang datos

ukol sa mga pamanang istruktura batay sa lokal na imbentaryong pangkultura na ipinasa ng [FB Tag: Department of Tourism, Culture and Arts of Manila] para sa Philippine Registry of Cultural Property (PRECUP), alinsunod sa Seksyon 14(b) ng Batas Republika Blg. 10066.

Naglalayon ang mandatong ito na kilalanin at kalauna’y proteksyunan ang mga nananatiling pamanang istruktura, maging ang intangible cultural properties, sa mga lokalidad gaya ng Lungsod ng Maynila.

Nangunguna ang distrito ng Santa Ana sa may pinakamaraming mga pamanang istruktura sa kabisera ng bansa, na sinundan ng mga distrito ng San Nicolas, Ermita, at Binondo. Ang iba pang mga distrito na hindi pa nabanggit sa datos na ito ay patuloy na kinakalap at isasama sa taunang updating ng lokal na imbentaryong pangkultura ng Maynila.

Ang Lungsod ng Maynila rin ay ang pinakaunang lokal na pamahalaan (LGU) sa bansa na matagumpay na gumamit ng electronic PRECUP Registration Forms para sa mas masinop na pagkalap ng datos ng mga pamanang lokal na isusumite para sa PRECUP.

Makikita ang kabuuang impormasyon ng lokal na imbentaryong pangkultura ng Maynila kabilang ang iba pang mga LGU sa listahang ito: [https://tinyurl.com/PRECUPLocal]

Ang mga LGU na nakapagpasa ng kanilang kumpleto at katanggap-tanggap na imbentaryong pangkultura batay sa mga kinakailangang dokumento na pinaiiral ng NCCA ay makatatanggap ng assessment report at Certificate of Compliance.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa PRECUP, bisitahin ang [https://ncca.gov.ph/philippine-registry-cultural.../]

 

© 2025 National Commission for Culture and the Arts. Philippine Registry of Cultural Property.
NCCA
Pambansang Museo ng Pilipinas
Pambansang Komisyong Pangkasaysayan
ImageKomisyon sa Wikang Filipino
National Archives of the Philippines
Pambansang Aklatan ng Pilipinas

Coat of Arms of the Philippines

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works, and the people behind it.

GOV.PH
Open Data Portal
Official Gazette